
Matapos mag-viral dahil hindi umano alam kung ano ang Commission on Elections o Comelec, personal na nagtungo ngayong hapon sa main office ng Comelec ang ‘It’s Showtime’ contestant na si Heart Aquino.
Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia at ilang mga opisyal ng poll body ang nag-tour at nagpaliwanag sa kaniya.
Sabi naman ni Garcia, pwedeng maging ambassador si Aquino kung papayag ito na makipagtulungan na maiparating sa mga kabataan kung ano ang Comelec at kanilang mandato.
Sa ambush interview, sinabi ni Aquino na kinabahan daw kasi nang tanungin pero nakaboto na raw siya dati.
Sa ngayon, nanawagan si Aquino sa publiko na huwag na sana raw ay itigil na ang pamba-bash sa kaniya.
Facebook Comments