Police Colonel, arestado matapos paghihipuan ang kaniyang secretary

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang police colonel sa Brgy. Fairview dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Ito’y sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 135.

Dinampot ang colonel ng mga tauhan ng Anonas Police Station 9 kung saan sumasailalim ito sa booking procedures.

P36,000 ang itinakdang piyansa ng MTC para sa pansamantalang paglaya ng police colonel.

Nag-ugat ang pag-aresto sa opisyal matapos magsampa ng kasong kriminal sa Quezon City prosecutor’s office ang kaniyang secretary na isang non-uniformed personnel (NUP) ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa reklamo ng biktima, paulit-ulit siyang ginawan ng kalaswaan ng opisyal na nagsimula nangyari noong Hunyo 2023 nang gawan siya ng kalaswaan ng opisyal habang siya ay nasa loob ng kotse ng colonel.

Inalok pa umano siya ng P10,000 bilang allowance upang maging girlfriend niya at pag-aaya sa kaniya sa motel.

Ibinasura naman ng prosecutor’s office ang reklamo laban sa opisyal sa paglabag sa Anti-Sexual Harassment Act dahil wala nakitang sapat na ebidensya.

Facebook Comments