‎ KAHANDAAN SA EPEKTO NG HABAGAT AT MGA SAKUNA, PINALALAKAS SA PANGASINAN ‎ ‎

Mas pinaigting ng mga ahensya ng pamahalaan sa Pangasinan ang kanilang kahandaan sa harap ng inaasahang epekto ng Habagat at iba pang kalamidad matapos magsagawa ng Special Council Meeting ang mga response clusters ng lalawigan. ‎ ‎

Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang mabilis at maayos na pagtugon ng mga kinauukulang ahensya sakaling magkaroon ng mga emerhensiya dulot ng masamang panahon at iba pang banta sa kaligtasan ng publiko. ‎

‎Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pinakahuling weather update sa ilalim ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA), sitwasyon ng El Niño, mga resulta ng risk assessment, check-in procedures ng mga response teams, at ang na-update na bilang ng mga substations sa buong lalawigan. ‎

‎Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng matatag na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang agarang pagresponde sa oras ng sakuna at mabawasan ang posibleng pinsala sa mga komunidad. ‎ ‎

Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Pangasinan Police Provincial Office, Coast Guard Station Pangasinan, 71st Infantry Battalion, 104th Community Defense Center, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). ‎

‎Sa pamamagitan ng mas pinagtibay na ugnayan ng mga response clusters, inaasahang magiging mas handa ang Pangasinan sa pagharap sa anumang hamon na dulot ng kalamidad at iba pang emerhensiya. ‎ | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments