
Hiniling ni House Assistant Majority Leader at Zambales Representative Jay Khonghun kay Defense Secretary Gibo Teodoro na palakasin ang counterintelligence at koordinasyon ng mga ahensyang pangseguridad.
Ayon kay Khonghun ito ay para agad na mahadlangan ang patuloy na pagpasok at mga aktibidad ng mga dayuhang espiya na banta sa ating pambansang seguridad.
Giit ni Khonghun, hindi ito simpleng paniniktik kundi may intensyon o plano talaga kaya kailangan pang palakasin ang seguridad sa mahahalagang pasilidad ng gobyerno, kampo militar at embahada sa buong bansa.
Diin pa ni Khonghun na kailangan nating i-modernize ang ating counterintelligence, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas epektibong cyber-defense, higit na mahusay na intelligence-sharing, at mas mataas na antas ng seguridad sa buong kapuluan.