COVID-19 cases sa bansa, mahigit 70,000 na

Nadagdagan pa ng 1,951 na bagong kaso ang Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 70,764 ang COVID-19 confirmed cases sa bansa kung saan 45,646 ang aktibong kaso.

Sa newly reported cases, 1,348 ang fresh habang 603 ang late cases.


Dalawa naman ang naitalang nasawi na sumampa na sa 1,837.

209 pasyente ang mga nakarekober sa sakit na mayroon ng kabuuang 23,281.

Samantala, naitala ngayong araw ang siyam na bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad.

Dahil dito, umakyat na sa 9,145 ang overseas Filipino na nagpositibo sa virus, 5,369 ang mga gumaling habang 645 ang mga nasawi.

Facebook Comments