Bangkay ng 66-anyos na lola, natagpuan sa loob ng isang gov’t vehicle

Humihiling ng hustisya ang pamilya ng 66-anyos na lola na natagpuang patay sa loob ng kotseng pag-aari ng pamahalaang lokal ng Agusan del Norte nitonng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Josephine Parucho, naninirahan sa Barangay Simbalan, sa bayan ng Buenavista.

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)


Batay sa imbestigasyon, papasok na sana ang driver na si Rodrigo Agang nang maamoy ang umaalingasaw na baho na nanggagaling sa loob ng minamaneho niyang Toyota Innova.

Tumambad sa kaniya ang katawan ng senior citizen matapos niyang buksan ang compartment ng sasakyan.

Ayon kay Agang, nang matapos ang kaniyang duty noong Biyernes ay ipinarada niya ang government vehicle sa harapan ng Buenavista Municipal Hall.

Madalas niya raw itong iniiwan sa naturang lugar dulot ng paniniwalang mas ligtas doon ang behikulo.

Nagtataka din si Agang kung paanong nabuksan ang kotse dahil iniwan niya itong naka-lock bago umuwi sa kanilang bahay.

Inaalam din ng Buenavista Police kung hinalay ang biktima lalo na’t nakababa ang shorts niya nang siya ay makita.

Facebook Comments