COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5-11, isasagawa sa anim na vaccination site sa Metro Manila

Isasagawa sa anim na vaccination sites sa Metro Manila ang COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Ang bakunahan para sa naturang age group ay magsisimula sa Biyernes, February 4.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, isasagawa ang pediatric vaccination sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa Skydome, at Fil Oil Gym sa San Juan City.


Inaasahan din ang pagdating ngayong linggo ng reformulated Pfizer vaccines na ekslusibong gagamitin para lamang sa pagbabakuna ng edad 5 hanggang 11.

Ang pediatric vaccination ay isasagawa bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Facebook Comments