COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa mahigit sa 12 – OCTA

Inihayag ngayon ng OCTA Research na muli na namang tumaas ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Sa datos mula sa independent monitoring group na OCTA Research, umakyat pa sa 12.3% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 25.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 8.1% noong nakalipas na linggo.


Nangangahulugan itong bahagyang tumaas ang bilang ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga na-test sa rehiyon.

Paliwanag ni David, tumaas din sa 12.9% ang nationwide positivity rate.

Inaasahan namang nitong nasa 800 hanggang 1,000 na bagong COVID cases ang maitatala sa bansa ngayong araw.

Facebook Comments