Tuesday, September 29, 2026

Ilang miyembro ng PISTON, umalma sa pagpapatigil umano ng kanilang pagwe-welga sa Novaliches, Quezon

Kiniwestyon at inalmahan ng ilang miyembro ng PISTON ang pagpapa-alis at pagpapatigil umano ng kanilang welga sa Novaliches, Quezon City.

Ito’y kasabay ng unang araw ng kanilang nationwide transport strike bilang pagkondena sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa pagbigay tulong at suporta sa mga tusper ng jeep sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Sa pahayag ng PISTON, pinapaalis ng mga pulis ang mga tsuper, operator, at mamamayan na mapayapang naglulunsad ng welga at protesta sa Novaliches Bayan.

Giit ng miyembro ng PISTON, umanoy hinarass at sinubukang ipagtabuyan ng mga pulis ang mga nagpoprotesta kaya natigil ang ilang mga aktibidad.

Bukod naman sa Novaliches, umarangkada na rin ang protesta at tigil pasada sa Philcoa at Cubao Aurora Blvd. sa Quezon city na inaasahan magpapatuloy hanggang mamayang hapon.

Facebook Comments