Will Smith, nagbitiw na sa AMPAS matapos ang pananampal sa Oscar Awards

93

Nagbitiw na bilang miyembro ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) ang hollywood actor na si Will Smith.

Ito ay matapos ang ginawang pananampal ni Smith sa komendyanteng si Chris Rock sa 94th Oscar Awards sa Los Angeles, California.

Ayon kay Smith, aminado si Smith na hindi katanggap-tanggap at hindi makatwiran ang inasal niya sa Academy Awards.


Aniya, tanggapin din niya kung anong kaparusahan ang ipapataw sa kaniya.

Dagdag pa ng aktor, maraming tao ang nasaktan at hindi nagustuhan ang ginawa niyang pananampal sa komendyante.

Matatandaan, nag-trending worldwide ang ginawang pananampal ni Smith kay Rock matapos itong magbiro tungkol sa pagiging kalbo ni Jada.



Si Jada ay mayroong alopecia, isang kondisyon na nagreresulta ng pagkalagas ng buhok at pagkakaroon ng bald spot sa ulo, bagay na hindi umano alam ni Rock.

Facebook Comments