Tuesday, September 29, 2026

PNP, nanawagan sa publiko na iwasan ang pag-hoarding ng suplay kasunod ng posibleng banta ng El Niño

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na kumilos nang responsable at iwasang samantalahin ang posibleng mga problema sa suplay kasunod ng posibleng banta sa El Niño.

Ang panawagan na ito ng PNP ay kasunod ng mga babala na maaaring magkaroon ng napakalakas na El Niño sa mga huling bahagi ng taong ito at magpatuloy hanggang sa kalahatian ng 2027.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., dapat ang pagkain, tubig at iba pang mga necessities ay mananatiling accessable sa komunidad.

Inatasan na rin niya ang mga police units sa mga maaapektuhang lugar na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad, maghanda sa pagtulong at mahigpit na subaybayan ang mga usapin sa peace and order na may kaugnayan sa tagtuyot, kakulangan sa tubig, at matinding init.

Tiniyak din nito sa publiko na mananatiling available ang mga serbisyo ng pulisya sa kabila ng mga inaasahang hamon dulot ng matagal na panahon ng tagtuyot.

Facebook Comments