Wednesday, September 9, 2026

Pagpapatupad sa wage increase sa NCR, mainit na tinalakay sa budget hearing ng Kamara

Naging mainit ang diskusyon sa pagitan ni Labor Secretary Francis Tolentino at Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando patungkol sa implementasyon ng wage increase sa National Capital Region (NCR) na isnuspinde ng Pasig Regional Trial Court.

Sa budget hearing na pinangunahan ng House Committee on Appropriations ay iginiit ni San Fernando kay Tolentino na dapat ipatupad ang wage order number 27 dahil nabigo naman ang petitioners na maglagak ng 10-bilyong pisong bond.

Sagot ni Tolentino, kaisa sya sa nais ni San Fernando pero hindi nila ito magagawa dahil may umiiral na injunction ang korte kaya naman naghain ng urgent motion ang solicitor general para resolbahin ang kaso.

Dahil dismayado ay isinulong ni San Fernando na na i-defer o ipagpaliban ang budget hearing ng Department of Labor and Employment (DOLE) pero hindi ito sinuportahan ng mga miyembro ng komite.

Facebook Comments