Cyber-security, tututukan ng bagong direktor ng Anti-Cybercrime Group ng PNP

Kailangang gawing prayoridad ang cyber-security sa lahat ng antas ng organisasyon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni Police Brig. Gen. Sidney Sultan Hernia sa kanyang pag-upo bilang bagong direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Hinimok din ni Brig. Gen. Hernia ang lahat ng tauhan ng ACG na gawing prayoridad ang pagpapatupad ng mga cyber resiliency measures para mas mapaghusay pa ang kakayahan ng buong PNP na tumugon sa cybercrime.


Nabatid na pinalitan ni BGen. Hernia si BGen. Joel Doria na itinalaga naman bilang bagong regional director ng PRO-Mimaropa.

Si BGen. Hernia ay miyembro ng Philippine Military Academy Tanglaw Diwa Class of 1992, kung saan nagtapos siya bilang Magna Cum Laude.

Facebook Comments