Thursday, April 30, 2026

Czech Republic, umaming na-detain si Zaldy Co pero nakalaya rin

Kinumpirma ng Czech Republic na tama ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakahuli at pagkaka-detain kay dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Czech Chargé d’Affaires Eva Tenzin sa pulong sa Malacañang na nahuli si Co dahil sa paggamit ng invalid travel documents at isinailalim sa kustodiya sa Prague.

Ipinahayag ng pangulo ang pagkadismaya dahil nakalaya pa rin si Co at nananatili sa Europa sa halip na maibalik sa Pilipinas.

Gayunman, nananatiling matibay ang ugnayan ng Pilipinas sa Czech Republic at France.

Handa rin ang pamahalaan na pabilisin ang extradition at iba pang legal na kooperasyon para mapauwi si Co at harapin ang mga kaso nito.

Facebook Comments