Thursday, April 30, 2026

MWSS, ipinaliwanag ang bill rebates na matatanggap ng mga kustomer ng Maynilad sa Mayo

Makatatanggap ng rebates ang mga customer ng Maynilad na apektado ng water service interruption.

Sa kanilang Public Information Drive ngayong araw, ipinaliwanag ng MWSS na mag-re-reflect sa May billing ang rebates.

Katumbas umano ng P327.96 kada apektadong water service connection ang rebates na natuos batay sa dami ng bilang ng mga apektadong kustomer, duration of failure, average water tariff para sa 2026 at consumption per connection.

Nabatid na pinatawan ng MWSS Regulatory Office ang Maynilad ng aabot sa P54.2 milyong financial penalty kaugnay ng water service interruptions sa bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque sa Metro Manila, at Imus at Bacoor sa Cavite.

Sinabi naman ng Maynilad na tutugon sila sa rebate penalty.

Ayon sa water concessionaire, dahil sa nangyari ay pagbubutihin nila ang kanilang water service at makikipagtulungang maigi sa MWSS RO para sa mga service concern

Facebook Comments