Monday, June 1, 2026

DA, nag-ikot sa Commonwealth Market para sa pagpapatupad ng P50 price cap sa mga 5% broken imported na bigas

Naisyuhan ng Notice of Violation ang isang stall ng bigasan sa Commonwealth Market, Quezon City sa pag-iikot nina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roger Navarro at Assistant Secretary U-Nichols Manalo ngayong Lunes ng umaga, June 1.

Ayon sa retailer, P54 kada kilo ang presyo ng ilang 5% broken imported na bigas sa kanila dahil mataas umano ang bigay sa kanila ng mga supplier kaya hindi rin sila makasunod sa itinakdang P50 na price cap.

Samantala, 5 stall naman ang nakitaan din ng hindi pagsunod sa price cap pero hindi inisyuhan ng notice of violation dahil sa rason ng retailer na nai-deliver sa kanila ang bigas noong Abril pa kung sana hindi pa ipinapatupad ang price cap.

Ayon kay Asec. Manalo, makikipag-ugnayan muna sila sa pamunuan ng palengke at pag-uusapan din muna umano ng DA kung ano ang marapat na gawin sa nasabing sitwayasyon.

Facebook Comments