Monday, June 1, 2026

PBBM, pinadadalo si Sen. Bato sa senado kung talagang nais makaboto

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat personal na dumalo sa mga sensyon sa Senado si Sen. Ronald Bato Dela Rosa kung nais nitong makaboto sa mga mahahalagang usapin

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat payagang makaboto ang isang senador na may arrest warrant kung hindi ito pisikal na naroroon sa Senado.

Kung handa aniyang pumunta sa Senado si Dela Rosa para makaboto sa pagpapapalit ng lidereto sa kabila ng mga panganib ay nararapat lamang na personal itong dumalo sa plenaryo.

Binigyang diin ng Pangulo na matagal nang tradisyon sa Senado na kinakailangang nasa plenaryo ang isang senador upang makaboto.

Facebook Comments