
Pinapaimbestigahan ni Pinoy Workers Party-list Rep. Karl Fernandez Legazpi sa kaukulang komite sa House of Representatives ang malagim na pagkasunog ng M/V June Aster nitong September 9 sa karagatan malapit sa Coron, Palawan kung saan 76 katao na ang naitatalang nasawi habang mayroon pang mga nawawala.
Sa kanyang privilege speech sa session ng Kamara ay nagpa-abot ng pakikiramay si Legazpi sa mga biktima ng insidente.
Inihain din nya ang House Resolution No. 1443 kung saan nakasaad na mahalaga ang ikakasang imbestigasyon ng Kamara upang mabatid ang sanhi ng trahedya at maiwasan na ito ay maulit muli.
Ayon kay Legazpi, hindi intensyon ng House investigation na magturo o maghanap ng sisishin sa nangyari kundi para matiyak na ligtas ang pagbyahe sa karagatan ng mga Pilipino.
Umaasa si Legazpi na sa pamamagitan ng pagsisiyasat ay matutukoy ang mga butas o pagkukulang sa umiiral na maritime safety policies at sa implementasyon nito upang mapalakas kaligtasan ng mga pasahero ng mga sasakyang pandagat at mapahusay ang pagtugon sa anumang insidente sa karagatan.










