
Tinuligsa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senator Ping Lacson sa paglaban nito sa korapsyon.
Ang pahayag ni Cayetano ay kaugnay sa sinabi niyang may mga banta sa mga myembro ng Minority bloc na sinagot naman ni Lacson sa kanyang X post na kung nasisindak ang mga tiwali sa kanyang kampanya ay nangangahulugan lamang na may ginagawa siyang tama at mabuti para sa bansa.
Sa Facebook post ni Cayetano, sinabi niyang ang paglaban ni Lacson sa katiwalian ay lalo umanong nagpapalakas sa mga nasa likod ng korapsyon at sa mga may pinakamabigat na pananagutan.
Patuloy aniyang pinatatahimik ni Lacson ang boses ng mga tumitindig para sa bansa, sa Konstitusyon at sa demokrasya.
Aniya pa, maaari aniyang ma-bully at mapatahimik ni Lacson ang iba, pero hindi ang mga tulad nila.
Hinikayat ni Cayetano si Lacson na magbago ng direksyon dahil minsan na rin aniya siyang naniwala sa mga ipinaglalaban nito.










