Monday, September 14, 2026

Red Alert Status, itinaas na ng OCD BAR para sa BARMM parliamentary elections ngayong araw

COURTESY: RMN Zamboanga

Itinaas na ng Office of Civil Defense Bangsamoro Autonomous Region (OCD BAR) ang status nito sa Red Alert kasabay ng Bangsamoro Parliamentary Elections, ngayong araw.

Bukas, September 15 ay mananatili sa Red Alert ang OCD BAR para sa mas mahigpit na monitoring, koordinasyon at operational readiness sa buong panahon ng nasabing eleksyon.

Sa September 16 naman ibaba na ito sa Blue Alert Status at sa September 17 ay inaasahang ibabalik ito sa White Alert depende sa magiging sitwasyon at progreso ng mga kaugnay na aktibidad ng eleksyon.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng OCD BAR sa mga katuwang nito na ahensiya at stakeholders para matiyak ang patuloy na monitoring, epektibong koordinasyon at mabilis na pagresponde sa anumang emergencies at insidente na maaaring lumitaw, bago, habang at pagkatapos ng eleksyon.

Facebook Comments