
Nasa daan-daang mga pasahero pa rin ang naitalang stranded sa mga pantalan hanggang bago mag-tanghali ngayong Martes.
Ito ay kahit bahagyang gumanda na ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 463 pasahero, truck driver, at mga pahinante ang stranded pa rin sa 13 pantalan dahil sa habagat.
Naitala ang mga ito sa Western Visayas, Bicol, Southern Tagalog, at Central Visayas.
Kaugnay nito, nasa 80 rolling cargoes at tatlong barko rin ang hindi pa rin makabiyahe sa ngayon.
Samantala, nasa 15 barko, 313 motorbancas, at dalawang barge ang pansamantalang sumilong sa mga pantalan dulot ng masamang panahon.
Facebook Comments










