Wednesday, August 5, 2026

Klase at trabaho sa gobyerno sa NCR at 6 na lalawigan, suspendido na ngayong hapon

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR), Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, at Zambales, simula alas-3:00 ng hapon ngayong Miyerkules, Agosto 5, 2026.

Batay ito sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa Bagyong Maymay at habagat.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, kabilang ang health at disaster response.

Ang suspensyon sa mga pribadong kumpanya ay nakabatay sa pasya ng kani-kanilang pamunuan.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo at unahin ang kaligtasan.

Facebook Comments