Saturday, May 9, 2026

DAGDAG NA ₱200K PUHUNAN, IPINAGKALOOB SA PROYEKTONG BIGASAN NG OFW ASSOCIATION SA MANAOAG

Tumanggap ng karagdagang ₱200,000 puhunan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang OFW Family Association sa bayan ng Manaoag para sa pagpapalakas ng kanilang proyektong bigasan.

Ang naturang pondo ay ipinagkaloob sa ilalim ng Sibol Fund ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na layong suportahan at palawakin ang mga umiiral na kabuhayan ng mga organisasyon at samahan.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng orientation kaugnay sa wastong paggamit at pamamahala ng ipinagkaloob na dagdag puhunan.

Ayon sa DSWD, ang asosasyon sa Manaoag ang kauna-unahang benepisyaryo sa limang samahan na napagkalooban ng karagdagang kapital sa ilalim ng programa.

Samantala, patuloy ding pinoproseso ang aplikasyon ng iba pang asosasyon upang mabigyan din ng karagdagang pondo para sa kani-kanilang livelihood projects.
##

Facebook Comments