Saturday, July 25, 2026

Dagdag na arawang minimum na sahod, epektibo ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang ₱60 na dagdag sa arawang minimum na sahod sa National Capital Region ayon ito sa Department of Labor and Employment.

Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27 ,ang inisyal na adjustment ay mula 695 pesos ay magiging ₱755 pesos na ang daily minimum wage ng mga non-agricultural sector.

Habang sa sektor naman ng agrikultura, service at retails shops na may 15 o mas kaunting empleyado at manufacturing firms na may mababang bilang ng regular na emplyado na mas bababa pa sa sampu ay mula sa 658 pesos ay magiging 718 pesos na ang kanilang daily minimum wage.

Ayon sa DOLE, may kasunod pang 25 pesos na dagdag sahod sa sa Enero 20, 2027, sa susunod na taon kung saan magiging 780 pesos na ang arawang minimum na sahod.

Kaugnay nito, humigit-kumulang 1.1 milyong minimum wage workers sa pribadong sektor sa NCR ang inaasahang makikinabang sa nasabing umento.

Facebook Comments