Tuesday, July 21, 2026

Fuel subsidy para sa mga tsuper at operator, magpapatuloy —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na magpapatuloy ang fuel subsidy program para sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakapaloob sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ang pondo para sa programa.

Aniya, continuing fund ang nakalaang ₱2.5 bilyon sa 2025 national budget para mabigyan ng ₱10 diskwento kada litro ng diesel ang mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs).

Samantala, sinabi ni Castro na natapos na ang Service Contracting Program at wala nang karagdagang pondong inilaan para rito.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na nananatili ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na bantayan ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo upang makatulong sa pagpapatatag ng presyo.

Facebook Comments