
Hindi isasakripisyo ng pamahalaan ang kalikasan, suplay ng tubig at kabuhayan ng mga residente sa Pax Silica project sa New Clark City, Tarlac.
Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos kuwestiyunin ng ilang grupo ang epekto ng proyekto sa kalikasan, tubig at mga komunidad.
Ang Pax Silica ay isang US-led project para sa artificial intelligence (AI), semi-conductor at iba pang high-tech industries.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, susunod ang proyekto sa lahat ng batas at hindi papayagang masira ang kalikasan o mapaalis ang mga residente nang walang sapat na kompensasyon.
Sinabi rin ni Castro na sapat ang suplay ng tubig, batay sa pag-aaral ng National Water Resources Board (NWRB).
Samantala, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi uusad ang proyekto hangga’t wala itong environmental clearances.
Tiniyak din ng Malacañang na poprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka kung may maaapektuhan man sa proyekto.










