
Hinimok ni Senate President Alan Peter Cayetano ang minority bloc na itaguyod ang independence o kalayaan ng Senado.
Ang hamon ni Cayetano ay kasunod ng hindi pagdalo ng mga majority members sa sesyon ngayong hapon.
Sa statement ng Senate President, hinamon niya ang oposisyon na ipagtanggol o itaguyod ang kalayaan ng Senado matapos ang nangyari ngayon sa isa sa kanilang kasamahan.
Matatandaang ngayong araw inilabas ng Sandiganbayan 5th Division ang arrest warrant laban kay Senator Jinggoy Estrada na nahaharap sa mga kasong plunder at graft kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Idiniin ni Cayetano na hindi kwestyon ang pagkakaiba nila sa Senado at kahit anong hindi pagkakasundo ay kailangang sumang-ayon ang buong institusyon na may sarili silang isyu na dapat resolbahin.
Hinikayat din ni Cayetano ang mga senador sa minorya na makiisa sa iisang aksyon at ito ay ang sama-samang pananahimik ng Senado upang sa gayon ay makwestyon ng buong bansa na bakit ang isang co-equal branch ay mananahimik sa halip na maglingkod.










