Tuesday, May 5, 2026

Jerome Adonis ng KMU, kakasuhan ng PNP sa pagsusunog noong Labor Day

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na kakasuhan nito ang Chairperson ng Kilusang Mayo Uno na si Jerome Adonis matapos nitong magsunog noong Labor Day rally noong May 1.

Ayon kay Legal Service Chief ng Manila Police District (MPD) na si PCapt. Felino Nebato, ang pagsusunog ni Adonis sa effigy ay paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act of 1985.

Nabatid na ‘no permit, no rally’ sa lugar na hindi naman rally zone kagaya ng Kalaw sa Maynila kung saan sila nagdaos ng kilos protesta.

Samantala , ayon pa kay Nebato posible ring makasuhan si ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio dahil kasama ito sa mga raliyista na nagdaos ng kilos protesta sa lugar na hindi naman freedom park.

Nabatid na may apat na freedom park sa Manila na pwedeng pagdausan ng kilos protesta.

Hindi pa naman masabi ng pulisya kung ilan ang sangkot sa nasabing insidente na ikinasugat ng 9 na mga pulis dahil patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito .

Facebook Comments