DAGSA NG MGA PASAHERO SA CAUAYAN CITY AIRPORT, HINDI PA RAMDAM

27
Cauayan City, Isabela- Hindi pa gaanong ramdam sa Cauayan City Airport ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Sa ating naging panayam kay PCapt. Julio Maribbay, Chief Aviation Security ng Cauayan City Airport Police Station, normal lang ang dami ngayon ng mga byaherong dumarating sa airport ganon na rin sa bilang ng mga sumasakay na pasahero sa eroplano.

Wala pa aniya silang namomonitor sa kasalukuyan na sobrang dami ng pasahero di tulad noong wala pang pandemya.

Gayunman, iginiit ni PCapt. Maribbay na nakaalerto pa rin sila sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holly Week para matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay sa eroplano.

Ito ay para maiwasan na rin ang anumang gulo o problema sa Airport habang ginugunita ang Mahal na araw.

Facebook Comments