Wala munang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Carlos City ngayong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 66P, Series of 2026, na nag-uutos ng kanselasyon ng face-to-face classes sa buong lungsod.
Pinayuhan naman ang mga paaralan na gumamit ng Alternative Learning Modes kung kinakailangan.
Kasabay nito, ipatutupad sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ang skeletal work arrangement, habang mananatiling nasa full capacity ang Budget, Accounting at Treasury, pati ang mga tanggapang direktang nakatalaga sa emergency at response operations gaya ng CDRRMO, City Health Office, CSWDO, Engineering Office, General Services Office at City Information Office.
Hindi naman saklaw ng kautusan ang work arrangements ng mga national line agencies.
Ang kanselasyon ng face-to-face classes ay para sa Setyembre 2 lamang, batay sa inilabas na kautusan ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










