31 PAMILYANG EVACUEES SA BONUAN BINLOC DAGUPAN CITY, PANSAMANTALANG NANINIRAHAN SA PAARALAN

Tatlong araw na ang nakalipas matapos mag-evacuate ang mga residenteng apektado ng baha dito sa Barangay Bonuan Binloc sa Dagupan City.

‎Lumikas ang mga residente mula sa Barangay Bonuan Binloc matapos tumaas ang tubig sa kanilang kabahayan.

‎Kasalukuyang naninirahan ang 31 pamilya o mahigit kumulang 92 indibidwal sa Federico N. Ceralde Integrated School.

‎Isa sa mga inilikas ang pamilya ni nanay Bernarda Tumagtaw mula sa sitio Bagong Barrio na tatlong araw na sa evacuation center matapos pasukin ng baha ang kanilang bahay.


‎Hiling din ng mga lumikas na mabigyan sila ng relief at ayuda lalo na ang pangangailangan nila sa pagkain.


‎Ayon kay kagawad Rodolfo C. Clauna, ang pagtaas ng tubig ay bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na naipon sa barangay.

‎Dagdag niya, problema sa maayos na drainage system ang isa sa tinitignang angulo nang matagal na paghupa ng tubig baha.


‎Base naman sa latest Facebook live ni Mayor Belen T. Fernandez kasama si Engr. Ampin, sinuri nila ang creek kung saan matatagpuan ang isa sa mga drainage sa Barangay Bonuan Binloc upang tignan kung ano ang kanilang magagawa para maibsan ang pagbaha sa lugar.

‎ ‎Samantala, tiniyak ng kawani ng barangay ang patuloy na pagbibigay ng pagkain at pamomonitor ng barangay lalo na sa isyu sa kalusugan ng mga evacuees. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments