LTO, nagkasa ng surprise inspection sa PITX

Nagsagawa ng surprise inspection ang Land Transportation Office sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, kabilang sa kanilang ininspeksyon ang kundisyon ng mga bus papuntang probinsya at iba pang pampublikong transportasyon.

Sumailalim din sa random drug testing ang ilan sa mga driver nito.


Samantala, nag-inspeksyon din si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Edgar Alan Okubo sa ilang terminal at pantalan sa rehiyon upang tiyakin ang maayos at ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Facebook Comments