
Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ang resolusyon sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa honeytrap laban kay Executive Secretary (ES) Ralph Recto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inihahanda na nila ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa mga nasa likod nito.
Sapat na aniya ang mga ebidensiya na hawak nila ngayon.
Samantala, inirerespeto naman ng NBI ang naunang pahayag ng Office of the Ombudsman na ikinababahala ang patuloy na pananatili sa ibang bansa ng mag-inang Sen. Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Matibag, ito ay dahil naman sa ibang kasong iniimbestigahan ng Ombudsman na may kinalaman sa solar energy firm ni Leviste.
Nitong August 2 nang umalis sa bansa ang mag-inang Legarda at Leviste batay na rin sa impormasyon ng Bureau of Immigration.










