Wednesday, November 18, 2026

ROLLBACK SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, IPINATUPAD NA SA ALAMINOS CITY

Naipatupad na ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Alaminos City, Pangasinan ngayong Nobyembre 18, 2026.

Batay sa price advisory ng City Transportation Regulation Unit ng Alaminos City, bumaba ng ₱1.50 kada litro ang gasolina, ₱3.80 ang diesel at ₱5.80 naman ang kerosene.

Ayon sa Department of Energy o DOE, ipinatupad ang kaparehong price adjustments sa buong bansa simula Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 23, 2026.

Nitong nakaraang linggo, Nobyembre 10 hanggang 16, nagkaroon din ng malaking rollback na ₱16.80 kada litro sa gasolina, ₱4.10 sa diesel at ₱3.70 sa kerosene.

Maaaring magkaiba pa rin ang aktuwal na presyo sa mga gasolinahan depende sa kompanya at lokasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments