
Pansamantalang isasara ang New De Venecia Road Extension sa Sabado, Abril 25, 2026, mula alas-3:00 ng madaling araw hanggang alas-10:00 ng umaga kaugnay ng isasagawang Run for SAFE: Secure and Abuse Free Environment.
Ayon sa abiso, bahagi ang aktibidad ng kampanya upang itaguyod ang isang ligtas at malayang komunidad laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at maglaan ng karagdagang oras sa biyahe dahil sa inaasahang pagbabago sa daloy ng trapiko habang isinasagawa ang fun run.
Hinihiling naman ng mga organizer ang kooperasyon at pag-unawa ng publiko upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng aktibidad.
Patuloy rin ang paalala sa lahat na mag-ingat at suportahan ang mga programang naglalayong protektahan ang kapakanan ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










