Wednesday, April 22, 2026

VALENZUELA AT URDANETA, NAGTULUNGAN PARA PALAKASIN ANG PAGMAMAHAL SA PAGBASA

Pinalakas pa ang kampanya para sa literasiya matapos magbahagi ang Valenzuela City Library ng mga aklat sa Urdaneta City Library noong Abril 20, 2026.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ang “Stories from the Valenzuelano” at ang aklat na Ang Taleng Hindi Maitali, na layong hikayatin ang mga kabataan na mahalin ang pagbabasa, pagkatuto, at paglinang ng kanilang pagkamalikhain.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ang mga aklat ay may kasamang mga aktibidad na makatutulong upang maging mas interaktibo at kapana-panabik ang karanasan sa pagbabasa ng mga batang mambabasa.

Ipinapakita rin ng inisyatibong ito ang matibay na ugnayan ng dalawang lungsod bilang sister cities, kung saan sa pamamagitan ng pagtutulungan ay patuloy na napapalakas ang mga programa para sa edukasyon at komunidad.

Binigyang-diin na sa ganitong mga hakbang, nagiging mas epektibo ang mga aklatan bilang sentro ng kaalaman, inspirasyon, at paghubog ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments