DAIRY BOX HUNDRED ISLANDS, PORMAL NANG BINUKSAN SA ALAMINOS CITY

Pormal nang inilunsad ang Dairy Box Hundred Islands sa Barangay Lucap, Alaminos City matapos isagawa ang blessing at ribbon cutting ceremony bilang bahagi ng pagbubukas ng proyekto, kahapon, Mayo 14.

Layunin ng inisyatibo na suportahan ang sektor ng agrikultura at turismo sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan para sa mga magsasaka at kooperatiba.

Isinulong ang proyekto sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, Department of Agriculture, at Philippine Carabao Center bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga programang pangkabuhayan sa Alaminos City.

Inaasahan ding makatutulong ang Dairy Box Hundred Islands sa pagpapalakas ng lokal na turismo at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga residente.

Kaugnay nito, matatagpuan sa Asingan ang unang Dairy Box sa bansa, tampok ang mga produktong mula sa mga kooperatiba na nagangasiwa sa mga alagang baka at kalabaw, at itinuturing din itong kauna-unahang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Tindahan sa Pilipinas na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments