Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Maynila

44

Hindi na nakapalag pa ang dalawang indibidwal matapos silang masakote dahil sa iligal na droga sa Maynila.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Joel Gan, 28-anyos na residente ng Honorato Romero Street, Tanza, Cavite at Micaella Malto, 26-anyos na taga-San Andres Bukid.

Naaresto ang dalawa sa ikinasang buybust operation sa may bahagi ng San Andres Street malapit sa kanto ng Osmeña Highway sa Malate.


Nakumpiska sa kanila ang limang plastic ng shabu na may bigat na 373 grams at nagkakahalaga ng higit ₱2-million.

Bukod sa iligal na droga, nahulihan pa si Gan ng isang .38 kalibre na baril na kargado ng anim na bala.

Kasalukuyan ng nakakulong sa Malate Police Station ang dalawa habang inaalam na kung sino ang source nila ng iligal na droga.



Facebook Comments