Dalawang araw na DZXL-RMN Sports Bonding 2022, matagumpay

50

Naging matagumpay ang isinagawang DZXL-RMN Family Sports Bonding 2022

Sa temang “Sama-sama sa bagong pag-asa”, nagkasama-sama ang mga taga-DZXL Radyo Trabaho Team, RMN Head Office, RMN Multimedia Ventures (RMN-MMV), DWWW 774, at iFM 93.9 Manila.

Itinanghal na kampyon ang RMN-MMV sa basketball matapos talunin ang koponan ng DWWW 774 at iFM93.9 manila na nagtapos sa score na 79-57.


Bago niyan, naglaban ang basketball team ng DZXL Radyo Trabaho at DWWW 774/ iFM 93.9 kung saan nagwagi ang DWWW at iFM team.

Nagkaharap din ang DZXL at RMN MMV kung saan nakuha naman ng RMN-MMV ang panalo.

Sa volleyball naman, champion din ang RMN MMV habang first runner up ang DZXL pink team at second runner up ang DWWW/iFM team.



Samantala, sa table tennis ay nasungkit ni sir Joel Gorospe ng DWWW 774 ang kampyonato habang first runner up naman si DZXL RadyoManager Buddy Oberas at second runner up si Radyoman Emman Mortega.

Ang DZXL Sports Bonding ay dalawang araw na ginanap sa Guadalupe Covered Court sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.


Facebook Comments