Wednesday, August 5, 2026

Tinatayang nasa P700-M halaga ng umano’y smuggled na sapatos, nakumpiska sa Cavite

Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng Bureau of Customs (BOC), Cavite Police Provincial Office, Cavite Maritime Group, at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga umano’y smuggled na sapatos sa isang warehouse sa Imus City, Cavite.

Narekober sa nasabing lugar ang mga substandard at counterfeit o trademark na mga kilalang brand ng sapatos.

Kung saan tinatayang nasa 700 milyong pisong halaga ang mga ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, sila ay umaksyon batay sa ulat ng umano’y smuggled na mga sapatos kung saan nagisyu ng Letter Order at Mission Order ang BOC para iotorisa ang mga pinagsanib na ahensya na mag-inspeksyon, mangalap at magkumpiska ng mga produktong lumalabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Kaugnay nito, wala namang nahuli ang mga awtoridad nang isagawa ang nasabing operasyon.

Facebook Comments