Wednesday, August 5, 2026

Umano’y pagpapatumba ng mga sundalo’t pulis sa mga kotongerong kongresita, pinabulaanan ng AFP

Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y pagpapatumba sa mga Kongresistang bumabalik sa pangongotong sa mga kontraktor para makakuha ng kickback sa mga proyekto ng pamahalaan.

Nabatid na nagpost sa social media ang Kolumnistang si Ramon Tulfo na nagbababala sa mga tiwaling kongresista na may kumikilos umanong sundalo’t pulis para patumbahin ang mga ito.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, hindi sapat ang mga sabi-sabi lang kagaya nito, kailangang iberipika muna ang isang ulat bago ito dapat paniwalaan.

Aniya, nananatiling nakatuon ang AFP sa pagtupad sa mandato nito sa saligang batas, sa pagiging propesyonal, disiplinado at non-partisan.

Hinikayat naman ni Padilla ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng mga impormasyon at maniwala lamang sa mga opisyal at credible na sources.

Facebook Comments