Friday, August 7, 2026

Visayas Grid, isasailalim sa red at yellow alert ngayong Biyernes

Isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid simula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon, na susundan ng alas-siyete hanggang alas-diyes ng gabi ngayong Biyernes, base sa anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippine o NGCP.

Dahil umano ito sa manipis na reserba ng suplay ng kuryente, kung saan aabot sa 2,360 megawatts ang available capacity habang umaabot naman sa 2,348 megawatts ang inaasahang peak demand.

Maliban dito, umabot din umano sa sa 1,116.1 megawatts ang hindi magamit na kapasidad ng grid, dahil sa mga plantang naka-forced outage ng ilang malalaking coal plants sa visayas at mga tumatakbo sa mababang kapasidad.

Samantala, isasailalim din sa Red Alert simula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi ang Visayas Grid ngayong Biyernes.

Matatandanag ang red alert ay ang hindi sapat na suplay ng kuryente para matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer, habang ang yellow alert naman ay ang mababang reserba ng kuryente.

Facebook Comments