Dalawang atleta na tinulungan ng RMN Foundation at Air Asia Philippines para makapag-ensayo sa Maynila, nakasungkit ng apat na medalya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Uzbekistan

245
Courtesy: Sport Telekanali - Rasmiy

Nakasungkit ng dalawang gold at isang silver medal si Angeline Landag Colonia, habang wagi rin ng isang silver medal si Rosalinda Baclas Faustino sa kakatapos lang na Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Uzbekistan nitong Hulyo 12.

Courtesy: Sport Telekanali – Rasmiy

Ang naturang dalawang atleta ay tinulungan ng RMN Foundation, Air Asia Philippines, DXRZ RMN Zamboanga, at 96.3 i-FM Zamboanga kung saan ipinagkaloob sa kanila ang libreng air ticket kasama ang kanilang coach na si Gregorio Francisco Colonia, palipad ng Maynila para sa kanilang pag-eensayo sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC).


Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Coach Gregorio Francisco Colonia na ito na ang resulta ng kanilang pagod at paghihirap sa mga isinagawang training at paghahanda para sa kompetisyon.

Aniya, nagpapasalamat siya sa dalawang atleta dahil sinunod nila ang utos nito na mag-relax at mag-enjoy lang sa laro dahil ito ang kauna-unahan nilang laban sa weightlifting.

Courtesy: Sport Telekanali – Rasmiy

Kasunod nito, lubos din nagpasalamat si coach Colonia sa RMN Foundation dahil sa tulong na binigay sa kanila upang makapag-ensayo dito sa Maynila.

Dagdag pa, na-break din ni Angeline ang World at Asian record dahil sa tatlong medalya na nasungkit nito.



Facebook Comments