JOBS FAIR SA MANGALDAN, NAGBUKAS NG HALOS DALAWANG LIBONG OPORTUNIDAD SA TRABAHO

Higit 1,700 oportunidad sa trabaho ang inialok sa mga residente ng Mangaldan sa ginanap na Jobs Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) noong Agosto 5, 2026.

Layon ng Jobs Fair na mailapit ang mga job seeker sa mga kumpanyang may agarang pangangailangan ng mga empleyado.

Naging pagkakataon din ito para sa mga fresh graduate, mga propesyunal na naghahanap ng trabahong angkop sa kanilang natapos na kurso, at mga indibidwal na nais lumipat o magbago ng industriya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na mapalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan at mapabilis ang ugnayan ng mga employer at job seeker. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###

Facebook Comments