Friday, August 7, 2026

Pagbagal ng ekonomiya ngayong 2nd quarter ng taon, pansamantala lang —Malacañang

Iginiit ng Malacañang na pansamantala lamang ang mababang 2.3% economic growth ng bansa sa ikalawang quarter ng 2026 at hindi ito ang pangmatagalang direksyon ng ekonomiya.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakaapekto sa paglago ng ekonomiya ang mga hindi inaasahang pangyayari, kabilang ang sigalot sa Middle East.

Tinamaan aniya nito ang inflation, presyo ng langis, trabaho at remittances, habang bumagal din ang ilang public construction projects.

Gayunman, kumpiyansa ang Malacañang na bibilis muli ang paglago ng ekonomiya dahil pinapaspasan na ng pamahalaan ang paggasta at pagpapatupad ng mga proyekto ng gobyerno.

Kabilang sa mga hakbang ang pagpapabilis ng mga pangunahing infrastructure projects, pagpapanatili ng matatag na presyo ng mga bilihin, at pagpapalakas ng exports at competitiveness ng bansa.

Facebook Comments