DIKE SA BACAYAO SUR, SINURI NG MGA AWTORIDAD SA DAGUPAN CITY

Sinuri ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kondisyon ng dike sa Barangay Bacayao Sur para muling imonitor ang mga proyektong may kaugnayan sa pagbawas ng panganib sa pagbaha.

Kasama sa pag-iinspeksyon ang City Engineering Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ayon sa LGU, hindi nagtatapos sa pagkumpleto ng isang proyekto ang monitoring nito at patuloy umanong sinusuri ang kondisyon ng mga flood mitigation project para matukoy kung may kailangang ayusin o tugunan.

Ang inspeksyon sa Bacayao Sur ay isinagawa habang patuloy na hinaharap ng Dagupan ang panganib ng pagbaha, partikular sa mga komunidad na malapit sa mga daluyan ng tubig.

Walang ibinigay na detalye tungkol sa kondisyon ng dike matapos ang inspeksyon o kung may natukoy na agarang kailangang pagkukumpuni. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments