Thursday, August 6, 2026

PCO, sisilipin ang mga nasa likod ng pekeng balita sa umano’y pagkaaresto ni Sen. Dela Rosa

Sinisilip na ng Anti-Fake News Desk ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga nasa likod ng pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa umano’y pagkaaresto kay Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na mahigpit na tinututukan ng pamahalaan ang lahat ng kaso ng fake news at hindi ito palalampasin.

Pinag-aaralan na rin kung anong mga paglabag sa batas ang maaaring isampa laban sa mga mapapatunayang responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Samantala, tiniyak ni Castro na tuloy-tuloy ang operasyon ng pamahalaan upang maaresto si Senador Dela Rosa sa lalong madaling panahon.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na posibleng diversionary tactic ang pagpapakalat ng naturang fake news upang mailihis ang atensyon ng publiko mula sa mga isiniwalat ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Facebook Comments