Tuesday, June 16, 2026

Mga panukala at resolusyon na pantugon sa mataas pa ring singil sa kuryente, dapat isinama ni PBBM sa “priority measures” para sa special session

Dismayado si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na hindi isinama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “priority measures” para sa special session ang mga panukala at resolusyon na pantugon sa mataas pa ring singil sa kuryente.

Pangunahing tinukoy ni Diokno ang kanilang panukalang batas para alisin ang 12% Value Added Tax sa system loss.

Binanggit din ni Diokno ang inihain nilang resolusyon para imbestigahan ang mataas na bayarin sa kuryente at ang iba’t ibang singil na ipinapasa sa mga consumers.

Dagdag pa ni Diokno ang kanilang resolusyon para ipabusisi ang Philippine Energy Plan sa layuning matiyak na sapat ang suplay ng enerhiya sa bansa at mabawasan ang pagiging dependent natin sa imported na langis.

Ikinalugod naman ni Diokno na kasama sa pinapatututukan ng pangulo sa special session na gagawin bukas, July 17, ang mga panukalang batas para sa sektor ng edukasyon.

Kabilang sa tinukoy ni Diokno ang panukalang pag-amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act; pagpapalawig ng School Feeding Program; at pagtatag ng Last Mile Schools.

Facebook Comments