Sugatan ang ilang sakay ng isang SUV matapos masangkot sa banggaab sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Artacho, Sison, Pangasinan nitong Mayo 16, 2026.
Sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang isang SUV habang mabilis ang takbo nito at bumangga sa isang nakaparadang sedan sa gilid ng kalsada.
Dahil sa lakas ng impact, tumama ang sedan sa gate ng isang bahay at tumama naman sa isang nakaparadang motorsiklo sa loob ng compound.
Isinugod sa ospital ang mga sugatang sakay ng SUV habang dinala sa Sison Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







