
Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na isa sa mga trainer aircraft nila ang bumagsak sa Cabuyal, Tuba Benguet kaninang mga 10:30 ng umaga.
Ayon sa PAF, bumagsak ang nasabing aircraft habang nagsasagawa ng navigation training flight kung saan ang nasabing sasakyan ay may dalawang sakay na piloto.
Ayon pa sa PAF, ang nasabing aircraft ay isa sa sampung eroplano na umalis sa Fernando Air Base sa Lipa City patungong Baguio City.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Air Force sa mga lokal na pamahalaan at sa pinakamalapit na air base sa lugar.
Umuusad na sa ngayon ang imbestigasyon para malaman ang dahilan ng nasabing aksidente.
Tiniyak naman ng PAF na maglalabas ito ng updates sakaling mayroon na silang mga impormasyon ukol dito.
Facebook Comments










